<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/3013675770313020569?origin\x3dhttp://extraordinairememoirs.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Saturday, August 11, 2007

9:07 PM


Hekz. Masaya ang debut ng ate ko, Though hindi kami sa hotel nagcelebrate. Masaya talaga. Kungs a hotel kami bawal gumawa ng kahihiyan. Grabe binaha nga ng wines kahapon. Sobra! Plus, ung bili ng papa ko sa Duty Free na malalaking Chivas & Fundador. Pero may hindi ako makakalimutan na malakas sumipa ang alak: Tres Cipas daw ang name. Hahaha! Grabe. puno ng espiritu ni Satan ata yun. haha! Ako naman uminom ako ng mudslide. Ano para siyand Mudshake. Basta safe lang inumin un. Kumbaga sa mga CERTIFIED TOMADOR eh mani lang un. Nag-blackout ang uncle ko wala na siyang nakilala kahit sino handang suntukin. Tsk3. Lakas Tama eh. Taz ung cake ang laki-laki. Pati ung Litson. hahah! Basta ok na ok talaga. Although nung una nakakatamad talaga kasi amboring super! Pero katagalan ok na. Hekz. Buti nga wala kami pasok kahapon. Kasi buong akala ko may pasok dahil sa Exam namin. aww. Thank God. super nakapagsaya pa ako. Proud din ako kasi madami nagsabi maganda ung cake na napili. And it's of course COURTESY BY ME! =]
Feel ko nga pwede pala ako Party Organizer and PhotoGrapher. Kasi ako ang nagpicture-picture kahapon. Kaso pangit langa ng digicam. Madilim eh, Ie-edit ko na lang sa PS.

** Anyway tinanggal ko na ung Tagboard ko dito. Kasi hindi ko pa feel eh. Haahahah! Bahala na lang kayo mag-stay in touch sa'kin. Basta pag naka-update na ako ng bagong tagboard dun na.

Un lang muna. Alis pa kami eh,


Saturday, August 4, 2007

10:35 PM


Well. isa yatang masayang araw ng mabilhan ako ng pinapangarap kong cellphone. hihi. ung Motorola RAZR. Eto na yung last kong pabili ng phone kasi un talaga gusto ko at wala na akong mahihiling pa. Kasi nung nagkaroon ako ng 8210 nung grade 6 ako nagustuhan ko din. Kaso nung 2nd year naman ako, binilhan ako ng bagong unit ng Nokia, un ang gusto ng papa ko na bumili ako ng bagong phone. Kaso ang binili sa'kin ay ang 6600 pero hindi ko siya gusto. Kuya ko lang may gusto ang phone na dapat sa'kin ay nasa kanya at ang phone na dapat sa kanya ay nasa akin naman. Kaya hindi ko nagustuhan. Pero iniingatan ko naman kahit hindi ko gusto. At ngayon eto na, syempre ang pinapangarap kong phone ay nandito na. hihi. Nahihiya pa naman ako nung una, kaso sadyang malakas ata ako sa tatay ko at nabilhan ako. 8800 ang bili, Pagkatapos maganda ang features nun pwera lang ang cam niya. Maganda ang VGA pero ang MEGAPIXEL, eww. hehehe, Pero ang maganda diyan may free 1gb akong memory bali dalawa memory ko ung isa 128mb naman. Malaki-laki na in diba? Kaso ang nakakalungkot ang gusto kong digicam ay hindi yata mabibili. [Sana mabili] Kasi plano ko since last year ko na 'to sa SJA, lahat ng mga memories/moments ay dapat ma-capture ko na. Excited na ako mag-college pero ngayon pa lang kahit nasa school ako, naiisip ko na pihadong mamimimiss ko talaga ang SJA. Syempre for almost 10 years of staying in SJA, I've never experienced being a new comer. And I've been one of those students who witnessed the changes in SJA and probably [I think] it will continue. And I'm honored because my siblings and I all studied in SJA but I'm the only one who is really loyal. Kahit hindi mala-Valed. ang talino ko alam kong kakayanin ko ang college. Hayun. ano pa ba? wala na ako masasabi.



*need practice


Wednesday, August 1, 2007

5:27 AM


Ang tagal ko nang hindi nag-a-update sa blog ko. Kaya heto sign-up uli ng bagong blog account pero this time hindi na ako nag-register para sa isang subdomain. Bakit? Tingin ko kasi pangit. At saka mas madali na din dahil dito lang ako sa blogger mapi-fill up. Badtrip nga lang kasi lagi na ako tinatamaan ng KATAM (magpost sa blog), kaya walang tumtagal na blog account sa'kin. At saka hindi na ako makasingit sa mga kapatid ko. Tapos mas gusto ko na lang mag-PhotoShop kesa mag-internet. Nawawalan na nga ako ng amor sa Friendster. Sawa na kasi ako talaga at sadyang nababadtrip din ako sa pag-a-update ng Friendster. Kung anu-ano kasi ginagawang pagbabago. Kaasar! Anyway, wish ko lang magtagal ang blogger account na 'to. Sana din sipagin ako mag-update. Problema ko lang talaga ang pagpalit ng layout, at saka nakalimutan ko na gumawa ng layout gamit ang PS. Mas nagugustuhan ko na ang Photo Ed. and Photo Manip.
Eto na naman ang dakila kong istorya para sa araw na ito:

July 27, 2007- Memorable na araw 'to para sa'kin. Bakit?

Una: Araw ng Parokya
Kasi naman isa ako sa mga dancer para sa presentation namin ng barrio Manuyo. Actually nung una napili akong sumayaw (pero sapilitan), badtrip talaga ako. Kasi nakakainis talaga un, hindi ko trip sumayaw baka mapahiya lang ako at magkalat. Pero napagisip-isip ko ung moments na nagpapractice kami, ang saya-saya. namimiss ko na nga sobra. At saka nung magperform na kami, grabe ang saya kahit kabado ako. (Pero hindi halata kasi todo ngiti ba naman ako) at saka ayon kay Ms. Padicio (nung nagkakainan kami) sinabihan ung barrio namin na "The BEST among all the barrios who performed" kasi naman CULTURAL DANCE ang dapat ipe-present ang kaso, ung ibang barrio MODERN ba naman ang sayawin? tama ba un? Kung may Cultural dance man, isa lang ang ganung number ng isang barrio. Ung iba naman FESTIVAL DANCE naman ang sinayaw, pero kahit filipino dance dapat nga CULTURAL as in ung LUMANG SAYAW sa PANAHON NI KOPONG-KOPONG at MARIA CLARA.
[Err wala naman akong ibang ibig sabihin, lahat naman maganda sayaw kaso kami lang DAW ang sumunod talaga].
At saka the best sa mga ganitong activities ang nag-handle na teachers sa'min, None other than:
Mrs. Padicio and Sir Magracia
plus with the special participation of our dear SC President: Raymond Shappit.
(^^,

Kaya para sa'min panalo talaga.

At kung ibabalik ko lang ung araw na Thursday, alalang-alala ko pa na sobrang badtrip at tensed ako para sa costume ko. Kasi wala akong costume na baro't saya oh kahit anong filipiniana, Dahil never pa ako sumayaw na kailangan ng costume kasi nga ALLERGIC ako sa dancing. Pero memorable ang araw ng parokya sa'kin. FIRST DANCE ko or participation as a senior high. Gawd. kaloka un diba? Ang nakakainis nga lang, ni hindi ko na-captured ang memorable moments nung Friday kahit may dala akong digicam. Ang sakit ng bagay na un. Hindi na ako gumalaw kasi super init at ang kati medyo ng suot ko.

PANGALAWA: Hinabol kami ni Ate Mai at Grace(Maria Gracia) ng Ulan.
Pwede pala mangyari un? akala ko sa cartoons lang nangyayari pero pwedeng-pwede sa totoong buhay ang habulin ka ng ulan. Grabe nga ung kinagabihan kasi hinatid namin si Grace sa labasan tapos bigla na lang kami tumakbo bumalik ng bahay kasi tumakbo ung pinsan ko at akala ko naman hinahabol kami ng rapist oh magnanakaw Oh kaya naman ung bagong lipad na airplane, bumagsak! Kaya tumakbo na din ako kahit wala akong alam.

Yan muna ang entry ko ha.
'Til next time


me.myself.i

16 year old femme
currently a senior high
I ♥LOVE♥ Berries



Fanatic of Smackdown, RAW
I love to sing

I love watching horror movies
I love Photography
I have 16 fav. colors
I'm allergic in cockroaches
My sideline is: Rima's part-time nanny



I love Tulips and Cattleyas
I just really really hate PLASTICS and RUDE people
I would die without my HANKY.


contact >> ♥ me ♥

my.wishlists

* To have my Sony N2 DigiCam or any Sony DigiCam

* To have motorola phone
* To pass my admission tests in colleges I want to enter
* To travel around the world
* To have a harajuku dress

my.mood

my.visits

Raymond Yanie Jade
DizziNueve Luisa Justine

my.love

layout

[browser]: IE 6+
[res]: 1280x1024

[program]: PS7
[font]: Base 02 | almegro
[used]: [x]
[design]: Urban.Faery